Imbes na pumasok bilang expansion team: NLEX bibili ng prangkisa sa PBA

MANILA, Philippines - Bibili ng isang prangkisa ang MPIC-NLEX sa kanilang pagpasok sa Phi­lippine Basketball Association sa halip na bilang ex­pansion team.

Sinabi kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud na tatalakayin ng PBA Board of Governors ang naturang kahilingan ng MPIC-NLEX.

“Applicant team MP­IC-NLEX today informed the PBA Office of the Com­missioner that it has decided to enter the league by acquiring an exis­ting franchise, in lieu of entering the league as an expansion team,” sabi ng PBA sa kanilang Twitter.

Hindi naman ibinun­yag ng MPIC-NLEX kung sino ang prangkisang kanilang kinakausap.

“They noted that they are in the process of finali­zing the acquisition of the cur­rent member-ballclub and will update the league as to further developments within a reasonable pe­riod after the last game of the member-team in the ongoing Governors’ Cup,” wika ng PBA.

Ngunit ang prangkisa ng Alaska ang sinasabing balak bilhin ng MPIC-NLEX.

Ang MPIC-NLEX ay humablot ng anim sa ka­buuang pitong kampeo­nato sa PBA D-League.

Maliban sa MPIC-NLEX, ang dalawa pang ex­pansion teams sa PBA ay ang Kia Motors, igigiya ni Manny Pacquiao bilang head coach, at ang Blackwater.

Samantala, kung tatalunin ng San Mig Coffee ang Rain or Shine sa ka­nilang laro kagabi ay ma­sisikwat nila ang No. 2 seat sa quarterfinals at mahuhulog ang huli sa No. 3.

Sasagupain ng Mixers sa quarters ang No. 7 na Alaska Aces at makakatapat ng Elasto Painters ang No. 6 na Air21 Express.

Ang panalo naman ng Rain or Shine ang mag-u­upo sa kanila sa No. 2 ka­tapat ang No. 7 Air21 at lalabanan ng San Mig Coffee ang No. 5 San Mi­guel Beer.

Tatapat ang No. 3 Alas­ka sa No. 6 Ginebra.

Lalabanan naman ng No. 1 Talk ‘N Text ang No. 8 Barako Bull.

Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage.

Show comments