Commissioner Cristobal hihingi ng suporta mula sa 10 NCAA teams

MANILA, Philippines - Hindi kakayanin ng ba­gong NCAA Commissioner na ayu­sing mag-isa ang proble­ma sa officia­ting.

Kaya hinihingi niya ang kooperasyon, tulong at suporta ng 10 paaralan na kasali sa Season 90 pa­ra matiyak na magi­ging maganda ang takbo ng  NCAA basketball na mag­sisimula sa Hunyo 28.

“I want to ask for your cooperation,” wika ng NCAA commissioner Ar­turo “Bai” Cristobal  nang dumalo sa kickoff ce­remony ng liga sa Jose Ri­zal University Campus sa Mandaluyong.

Ang JRU ang tata­yong host ng pinakamatandang collegiate league sa ban­sa at naniniwala sila sa ka­pasidad ni Cristobal na bukod sa pagiging isang champion coach sa NCAA at ilang taon din na naupo bilang technical committee member nina da­ting Commissioners Aric del Rosario at Joe Li­pa.

Makakatulong ang karanasang nakuha ni Cristobal pero hindi epektibo ito kung wala ang pagka­kaisa ng mga maglala­rong koponan.

“I can’t promise perfect officiating, dahil mahirap mangyari ito. But what I can promise is fair play,” dagdag nito.

Ang kanyang mga ipinasok na ideya ay makikita agad sa pagbubukas ng liga sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

Show comments