MANILA, Philippines - Naihayag na ni Bob Arum ng Top Rank ProÂmoÂtions na sa macau, China idaraos ang susunod na laban ni Manny Pacquiao sa Nobyembre 22.
Ngunit kung si chief trainer Freddie Roach ang tatanungin, mas gusto niyang lumaban muli ang FiÂlipino world eight-division champion sa United States.
Ito ay kung sinuman kiÂna Mexican world four-division king Juan MaÂnuel Marquez at world light welterweight titlist RusÂlan Provodnikov ang maÂÂkakalaban ng Sarangani Congressman.
“They talk about fighÂting in China, if these big fights happen, they got to move the location,†sabi ni Roach sa panayam ng The Sweet Science.
Nagmula si Pacquiao sa panalo kay Timothy Bradley, Jr. sa kanilang reÂmatch noong Abril, haÂbang binigo naman ni Marquez si Mike AlvaÂrado.
Ang naturang dalawang laban ay idinaos sa US.
Nasa listahan din ni Arum para itapat sa 35-anyos na si Pacquiao siÂna Amir Khan at Danny Garcia.
“I think they would bring it to America, deÂpenÂding on the opponent. If a China fight does come off, with a high quaÂlity, tough-tough fight like against Ruslan, they don’t know who Ruslan is over there,†wika ni Roach.
Wala pa ring desisÂyon ang 40-anyos na si MarÂquez kung muling laÂlabanan si Pacquiao sa pang-limang pagkakataon.
Noong Disyembre 8, 2012 ay pinatulog niya si ‘Pacman’ sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagÂhaharap.
Ito ang sinasabing ayaw mabura ni Marquez sa isipan ng mga fans.
Iniulat na tinanggihan ni Marquez ang inisyal na alok na $12 milyon para sa kanilang pang-limang laÂban ni Pacquiao noong 2013.
Posible namang puÂmayag sa $5 milyon si Provodnikov para saguÂpaÂin si Pacquiao sa NobÂyembre 22.