St. Dominic at CEU pasok sa semis

MANILA, Philippines - Sinorpresa ng St. Do­minic College-Cavite ang  Lyceum of the Philip­pines, 69-62, habang naungusan ng Centro Escolar University ang Our Lady of Fatima University, 48-47, para makuha ang semis berths sa 2014 MBL Open basketball cham­pionship sa Lyceum gym sa Intramuros. Mani­la.

Humugot si Sherwin Lao ng 10 sa kanyang game-high na 18 points sa fourth quarter para tu­lu­ngan ang Red Pikes na kumpletuhin ang isang come-from-behind win la­­ban sa third-seeded na Pi­rates, habang umiskor si 6-foot-9 Cameroonian Aristote Mutombo ng game-winning basket  sa hu­ling 1.8 segundo para sa Scorpions na naghabol mu­la 12 puntos na kala­mangan ng NAASCU ri­val na Phoenix.

 

Show comments