MANILA, Philippines - Nanumbalik ang ga-ling ng mga inaasahan sa RC Cola-Air Force Raiders para ipatikim sa expansion team AirAsia Flying Spi-kers ang ikalawang sunod na pagkatalo, 25-17, 25-19, 25-15 sa 2014 PLDT Home-Philippine Superliga (PSL) All-Filipino ConfeÂrence volleyball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Si Judy Caballejo ay may 15 puntos habang si Joy Cases ay nagdagdag ng 14 para sa Raiders na naka-bawi matapos lasapin ang straight sets na kabiguan sa huling laro kontra sa Petron para manatili sa ikalawang puwesto sa 4-1 karta.
“Nag-concentrate lang kami sa defense at gumanda ang receptions namin,†wika ni Caballejo na nakuha ang puntos mula sa 14 kills at isang block.
Bumaba ang Flying Spikers sa 2-2 karta at nakasalo sa Generika Army at PLDT Home TVolution sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL bukod sa suporta ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Ramdam pa rin ng AirAsia ang sinuong na mahabang pahinga at nakita ito sa malamyang opensa nang sina Cha Cruz at Stephanie Mercado ay umiskor lamang ng tig-walong puntos.
Sa first set pa lamang ay nagtrabaho na agad sina Caballejo at Cases para makauna sa labanan.
Sinikap ng AirAsia na itabla ang laro at hawak pa nila ang 16-15 kalama-ngan pero lumamya ang kanilang depensa para pahintulutan ang Raiders na kunin ang sumunod na walong puntos tungo sa 23-16 iskor.
Si Maika Ortiz ay may tatlong kills sa run na ito na nangyari sa serbisyo ng pamalit na si Wendy Semana.
Ilang beses na tinuran ni coach Ramil de Jesus na walang espesyal na ginagawa ang RC Cola-Air Force at ang diperensya ay ang puwesto ng kanyang mga bataan pero walang epekto ito dahil umarangkada agad ang Raiders sa 6-0 panimula sa third set.
Ang matinding palo ni Cases ang nagbukas ng 10-puntos na kalamangan, 16-6 at nawala na ang puso ng Flying Spikers. (AT)