NEW YORK -- HaÂngad ni Miguel Cotto na maÂging kauna-unahang four-division champion ng Puerto Rico sa kanyang paghahamon kay world middleweight king SerÂgio Martinez ng ArÂgenÂtina ngayon sa Madison Square Garden.
Matapos ang kanyang mga kabiguan kina Floyd Mayweather Jr. at Austin Trout noong 2012 ay luÂmiÂpat si Cotto sa kampo ni trainer Freddie Roach.
Lubos ang paniniwala ni Cotto na maagaw niya kay MartiÂnez ang hawak nitong World Boxing Council (WBC) middleweight title.
“This is the best traiÂning camp I ever had,†saÂbi ng 33-anyos na si CotÂto sa kanilang nabuong saÂmahan ni Roach. “Our cheÂÂmistry together has been great.â€
Idinagdag pa ni Cotto na walang epekto sa kanya ang paglaban para sa 160-pound crown.
“I am a puncher,†ani Cotto, nagdadala ng 38-4-0 win-loss-draw ring reÂcord kasama ang 31 knockouts, na hindi pa luÂmalaban sa mas mataas sa 154 pounds. “I carry my punch to 160. I’ll carÂry my punch no matter where my weight is.â€
Ang isa sa apat na kaÂbiÂguan niya ay sa mga kamay ni Manny Pacquiao noÂong 2009.
Magsusuot si Martinez (51-2-2) ng isang supporÂtive sleeve sa kanyang kaliwang tuhod.
“To fight at Madison Square Garden where great Argentinian boxers fought like Oscar BonaÂveÂna and Carlos Monzon is the greatest honor that any Argentinian boxer could possibly have,†wiÂka ni MarÂtinez.