Parker lalaro na sa game 1?

SAN ANTONIO – Plano ni Tony Parker na maglaro sa Game 1 ng NBA Finals.

Bubuksan ng San Antonio Spurs ang kanilang rematch ng Miami Heat sa Huwebes at ang kanilang star point guard ay kasalukuyang may left ankle injury.

“He’s getting better every day, and I expect him to play,” sabi ni coach Gregg Popovich kay Parker.

Lumubha ang nasabing injury ni Parker noong Sabado kung saan hindi siya nakabalik sa second half sa panalo ng San Antonio sa Oklahoma City sa Western Conference finals.

Hindi nag-ensayo si Parker noong Martes ngunit inaasahang magbabalik sa Miyerkules.

Si Parker ay nagtatala ng mga ave-rages na team-leading 17.2 points at 4.9 assists sa postseason subalit naaapektuhan ng kanyang mga injuries sa nakaraang dalawang playoff rounds.

“I always try to be honest with Pop,” wika ni Parker. “He knows, but if I’m 50 percent I’ll try to play. If I’m under 50 percent, we can argue.”

Show comments