MANILA, Philippines - Ang mabawi ang da-ngal na nadungisan noong nakaraang taon ang mas nagpakinang sa kampeo-nato na nakuha ng NLEX Road Warriors sa PBA Foundation Cup.
Maraming motibasyon ang nagamit ng Road Warriors sa pagsungkit sa ikaanim na titulo sa liga at kinabibila-ngan ito ng 13-0 sweep sa conference at ang magkaroon ng titulo bago lisanin ang D-League.
Aminado si NLEX coach Boyet Fernandez na ang mga ito ay nakatulong para magpursigi ang lahat ng kasapi ng koponan pero para sa kanya, ang 2-0 sweep sa dating kampeon na Blackwater Sports ang nagpatotoo sa kanyang naunang binitiwang salita sa pagsisimula ng season.
“Sinabi ko last confe-rence na redemption ang hanap namin. Ang kampeonatong ito ang tunay na nagbigay kahulugan sa salitang ito,†pahayag ni Fernandez.
Tinalo ng NLEX ang Big Chill Superchargers sa Aspirants’ Cup at redemption ito dahil galing sa pagkatalo ang koponan sa Elite sa 2013 Foundation Cup.
Winalis sila ng tropa ni coach Leo Isaac upang lasapin ang kauna-unahang kabiguan sa anim na sunod na pagtapak sa Finals.
“We really wanted to bounce back after our loss to them the last time. Kaya naman talagang determinado kami this confe-rence,†ani Fernandez.
Kita ang determinasyon sa laro ng bawat Road Warriors nang talunin nila ang siyam na nakatunggali sa elimination round. Kasama sa kanilang dinurog ay ang Elite, 102-84.
“Matamis itong titulo dahil ang tinalo namin ay ang tumalo sa amin two conference ago,†wika pa ni Fernandez. (AT)