MANILA, Philippines - Nagtipun-tipon ang mga sikat na atleta para sa paglulunsad ng “Pagpupugay†exhibit na nagbibigay ng pagpapahalaga sa 19 Filipino sports le-gends sa lobby ng Resorts World Manila noong Linggo.
Sinabi ni project proponent Chino Trinidad na umaasa siyang ang alaala ng mga Pinoy sports greats ang magbibigay ng inspirasyon sa bagong henerasyon ng mga atleta.
Ang mga sports heroes na dumalo sa inagurasyon ay ang 57-anyos na si six-time bowling world champion Paeng Nepomuceno, ang 65-anyos na si Bong Coo, ang 40-anyos na si 1996 Atlanta Olympic silver medalist Onyok Velasco, ang 52-anyos na si PBA legend Samboy Lim, ang 62-anyos na si Asia’s first chess grandmaster Eugene Torre, ang 89-anyos na si three-time Olympic cager Ramoncito Campos, ang 41-anyos na si two-time world boxing champion Gerry Penñalosa, at ang 47-anyos na si two-time Olympic long jumper Elma Muros-Posadas.
Bumisita din sa opening rites ang mga anak ng namayapang si Philippine Amateur Athletic Fede-ration president Antonio de las Alas na sina Ching Montinola at Menchu Concepcion, Resorts World Manila assistant vice president for special events/promotions Francis Bonnevie at reigning Women’s International Boxing Association minimumweight champion Gretchen Abaniel.
Ang “Pagpupugay†project ay makikita sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila hanggang sa Hun-yo 12.
Ang 19 legends ay sina Paulino Alcantara, Pancho Villa, Teofilo Yldefonso, Miguel White, Felicisimo Ampon, Ben Arda, Caloy Loyzaga, Flash Elorde, Anthony Villanueva, Arianne Cerdena, Lita de la Rosa, Efren (Bata) Reyes, Ceferino Garcia, Simeon Toribio, Nepomuceno, Velasco, Coo, Torre at Manny Pacquiao.
Tampok sa exhibit ang isang half-scale wax sculpture ni basketball le-gend Loyzaga.