Nagbunga na ang itinanim ni Spoelstra

MIAMI -- Noong Setyembre sa pagsisimula ng kanilang training camp ay binanggit ni Fil-Am coach Erik Spoelstra sa Miami Heat ang pagpapayabong sa kanilang championship legacy at ang pambihirang pagkakataon para sa isang koponan na makapasok sa NBA Finals sa apat na magkasunod na seasons.

“We’ve never brought it up since then,’’ sabi ni Spoelstra. Ngunit ngayon ay muling mauungkat ito.

Ang punlang itinanim ng Heat coach sa Bahamas na pinagdausan ng kanilang training camp ay nagkaroon na ng ugat.

Ang Heat ay nasa NBA Finals sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Ang pabagu-bagong paglalaro noong Marso at Abril, ang pagsuko sa top seed sa Eastern Conference playoffs sa Indiana, ang manalo ng mas mababa sa 12 laro sa regular season kumpara noong nakaraang taon.

Ito ay wala nang halaga.

Nasa Heat ang tsansa para makuha ang kanilang ikatlong sunod na NBA title kung saan ang Finals ay magsisimula sa Huwebes sa San Antonio para sa kanilang title-series rematch ng Spurs.

“It’s amazing to make it to one finals,’’ ani Heat forward Shane Battier. “To do it four times in a row for some of these guys, it’s a tremendous, tremendous accomplishment and it speaks volumes to the dedication, luck, and perseverance that you need to do it.’’

Anim sa kasalukuyang Heat players ang lumaro  noong 2011 postseason, ang una ng Miami sa kanilang ‘Big 3’ era.

Sina James, Dwyane Wade, Chris Bosh, Mario Chalmers, James Jones at Udonis Haslem ang mga natitirang holdovers. Sina Shane Battier at Norris Cole ay dumating noong  2011 finals loss. Sina Ray Allen, Chris Andersen at Rashard Lewis ay pumasok noong  2012.

 

Show comments