Lyceum, EAC hangad ang NCAA membership
MANILA, Philippines - Sa pagbubukas ng NCAA Season 90 sa Hunyo 28 ay hindi lamang itutuon ang atensyon sa hangad na liÂmang sunod na kampeonato ng San Beda Red Lions kundi maging ang asam na regular membership ng Lyceum at Emilio Aguinaldo College.
Ito ang pangalawang sunod na probationary year ng Lyceum.
Nasa kanilang pang-limang sunod na season naman ngayon ang EAC hindi lamang sa basketball kunÂdi maging sa iba pang sporting events.
“We wish them well this season and may they conÂsistently meet what is required to become regular members,†sabi ni Management Committee chairman Paul Supan ng host Jose Rizal University kaugnay sa aplikasyon ng Pirates at Generals bilang regular members.
“Just like when they were elevated to probationary status from being guests, we’ll be happy when the day to welcome them as regular members comes,†dagdag pa nito.
Hangad ng Lyceum at EAC na sundan ang yapak ng Arellano University na nabigyan ng regular memÂberÂship ngayong taon.
Ang iba pang miyembro ng NCAA ay ang Jose RiÂzal, San Beda, San Sebastian, Letran, Mapua, St. BeÂnilde at Perpetual Help.
Samantala, lalabanan ng San Beda ang Jose Rizal sa ganap na ala-1 ng hapon sa pagbubukas ng Season 90 sa Hunyo 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Target ng Red Lions ang kanilang ‘five-peat’ at maÂkasama sa grupo ang San Sebastian Stags, San BeÂda Cubs at Mapua Red Robins bilang tanging mga koÂponang nanalo ng limang sunod na korona.
- Latest