Stephenson nagsisisi sa ginawang pagta-trash talk

INDIANAPOLIS -- Sinabi ni Pacers guard Lance Stephenson na nagkamali siya nang isapubliko ang kanyang pagta-trash talk.

Matapos ang kanilang shoot around ay inamin nina Stephenson at Paul George na hindi sana sila nagsalita tungkol sa officiating.

Pinagmulta ng NBA officials si George ng $25,000 dahil sa pagkondena sa officiating sa Game 4.

Sinabi ni George na inasahan na niyang mamu-multahan siya dahil sa kanyang sinabing ‘niluto’ ang laban kaya natalo ang Indiana sa Miami sa lahat ng bagay maliban sa free throw line sa kanilang 90-102 kabiguan sa Game 4.

Sinabi naman ni Stephenson na ang pagta-trash talk ni LeBron James sa laro ay senyales ng kahinaan.

Ayon kay Stephenson, dapat sana ay sinarili na lamang niya ang kanyang opinyon.

Show comments