Tupas nangunguna pa ring horse trainer
MANILA, Philippines - Nanatili si Ruben Tupas sa unang puwesto sa hanay ng mga trainers pero palaban pa rin sina Dave Dela Cruz at Conrado Vicente sa talaan ng palakihan ng kinita sa kanilang hanay.
Dahil sa mga maÂlaÂlaking stakes races ay nanalo ang mga kabayong sinasanay
ni Tupas, nakalikom pa ito ng P848,641.96 kita kahit nasa 39 lamang ang
panalo bukod sa 51 segundo, 39 tersero at 40 kuwarto puwestong pagtaÂtapos.
Si Dela Cruz ang kumuha ng taguri na may pinakamaraÂming kabayo na naipanalo
sa 47 bukod pa sa 45 segundo, 55 tersero at 35 kuwarto puwesto para sa
pumapangalawang P845,587.17 premyo.
Nakahabol na rin si Vicente dahil pumalo na ang earning sa P809,248.61 sa
44 panalo, 51 segundo, 34 tersero at 33 kuwarto puwesto.
Ang tatlong ito ay mainitang maglalaban sa mga susunod na buwan dahil sa
paglarga ng iba pang malaÂlaking stakes races.
Hindi nabago ang puwesto nina RP Larosa at Danilo Sordan na nasa ikaapat at
ikalimang puwesto sa talaan.
May 49-35-20-18 karta, si La Rosa ay kumabig na ng P710,092.29 premyo
habang si Sordan ay mayroong P500,860.17 sa 31-25-17-21 karta.
Si MM Vicente ay nanatili sa ikaanim na puwesto sa P475,948.96
(22-26-31-29) pero nalagay si JC Pabilic sa ikapitong puwesto mula sa
dating pang-walo sa P466,895.32 (27-31-18-30).
Ang dating nasa ikapito na si RR Henson ay buÂmaÂba ng isang baitang sa
P463,040.96 (27-27-13-20) habang si RR Yamco ay nanatili sa ikasiyam sa
P436,095.33 (24-18-35-42) habang si AC Sordan Jr. ang nasa ika-10 puwesto
bitbit ang P401,483.71 (22-22-34-18). (AT)
- Latest