MANILA, Philippines - Isang pagkilala sa kagalingan at tagumpay ng mga Filipino athletes ang idaraos sa espesyal na two-week celebration sa Resorts World Hotel.
Tinaguriang ‘Pagpupugay sa 100 Taon ng PHL Sports’, ang June 1-15 event ang magsisilbing tribute sa 19 bayani ng Philippine sports na nagbigay ng kara-ngalan sa bansa sa world stage sa nakaraang 100-taon.
Ang dalawa sa mga bibigyan ng parangal na sina bowling great Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno at Asia’s first Grandmaster Eugene Torre ay dumalo kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate kasama si sports broadcaster Chino Trinidad na siyang namumuno sa proyekto.
“We’ll celebrate their greatness dahil ang DNA ng kagitingan ng mga Filipino ay di nagbabago,†sabi ni Trinidad sa sesyon na inihahandog ng Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.
“Advocacy nating mga Pilipino ito. This is not my event. This is the event of us Filipinos.â€
Bukod kina Nepomuceno at Torre, ang iba pang pararangalan ay sina booter Paulino Alcantara, Olympic heroes Teofilo Yldefonso, Simeon Toribio, and Miguel White, tennis great Felicisimo Ampon, golfer Ben Arda, bowlers Lita Dela Rosa, Arianne Cerdena at Bong Coo, pool legend Efren `Bata’ Reyes, basketball star Caloy Loyzaga at boxers Anthony Villanueva, Mansueto `Onyok’ Velasco, Pancho Villa, Ceferino Garcia, Gabriel ‘Flash’ Elorde at Manny Pacquiao.