MANILA, Philippines - Sa 20-0 boto at walang abstention, naipasa na ng Senado sa ikatlo at hu-ling pagdinig ang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship kay US NBA player Andray Blatche.
Kahapon isinagawa ang pagdinig at walang kumontra para bigyan ng citizenship gamit ang naturalize process kay Blatche para palakasin ang laban ng pambansang koponan sa dalawang malalaking kompetisyon na Asian Games sa Incheon Korea at FIBA World Cup sa Spain.
Ang 27-anyos na 6’10†center ng Brooklyn Nets at naghatid ng 11.7 puntos, 5.6 rebounds, 1.4 assists at 1.1 steals sa 22 minutong paglalaro sa NBA ay nagsagawa ng sinumpaang salaysay na naghahayag ng pagnanais na maging isang Filipino para matulungan ang bansa sa hangad na tagumpay sa mga lalahukang kompetisyon sa labas ng bansa.
Si Representative Robbie Puno ang siyang naunang nagpasok ng HB No. 4084 na sinuportahan ng Senate Bill 2108 ni Senator Sonny Angara para gawing ikalawang naturalized player ng Gilas Pilipinas si Blatche.
Ang una ay si Marcus Douthit na nakatulong sa paglapag sa pangala-wang puwesto ng koponan sa FIBA-Asia Men’s Championship noong nakaraang taon sa bansa.
“Andray Blatche has openly expressed his desire to play for the Philippines. He is in a position, at age 28, to make significant contributions to Philippine basketball and accordingly, eligible for conferment of the honor of being a Philippine citizen,†wika ni Angara.
Nagpasalamat agad si Gilas coach Chot Reyes sa magkakaisang tugon ng mga Senador kay Blatche.
“Blatche bill approved on third reading with affirmative vote of 20-0. Thank you Senate! Thank you Congress!†ani Reyes sa Twitter.
Ipadadala agad ang dokumento sa tanggapan ng Pangulong Benigno Aquino III at umaasa ang lahat na agad na malalagdaan ito para maging batas na.