Air21 vs Ginebra sa 3-0
MANILA, Philippines - Isa lamang sa pagitan ng Barangay Ginebra at Air21 Express ang matitirang walang talo matapos ang gabing ito.
Ang dalawang koponan na may two-game winning streak ang magsusukatan sa tampok na laro dakong alas-8 ng gabi sa pagpapatuloy ng PBA PLDT Home Telpad Governors Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Bago ito ay magtatangka ang Meralco Bolts na putulin ang tatlong sunod na kabiguan sa pagharap sa San Mig Coffee sa ganap na ika-5:45 ng hapon.
Pinasibat na ni coach Ryan Gregorio si Terrence Williams at ibinalik ang subok nang import na si Mario West para baguhin ang kapalaran ng koponan.
Naghatid ng 26.8 puntos, 8.4 rebounds at 2.7 assists averages sa huling dalawang taon ng paglalaro sa Meralco, nasa magandang kondisyon dapat si West dahil determinado ang Mixers na manalo para agad na maisantabi ang pagkakadapa sa San Miguel Beermen, 90-92, noong Linggo.
Nakabuti ang pagkuha kay Jeff Cariaso bilang head coach ng Kings dahil nanalo sila sa unang dalawang laro kontra sa Globalport Batang Pier (89-71) at Bolts (95-82).
Pero hindi pahuhuli ang tropa ni coach Franz Pumaren dahil ang Express ay nangibabaw sa Rain Or Shine Elasto Painters (103-96) at Barako Bull Energy Cola (101-86) para sa franchise-best start.
Magandang pagmasdan sa larong ito ang tapatan ng mga malalaking manlalaro na sina 7-footer Greg Slaughter at import Zach Mason ng Kings at ang sumiglang 6’10†Asi Taulava at reinforcement Dominique Sutton.
Si Slaughter ay may average na 20.5 puntos, 13.5 rebounds, 3 assists at 3 blocks habang si Mason ay may 26.5 puntos, 17 rebounds, 3 assists at 1.5 blocks.
- Latest