MANILA, Philippines - Pasisiglahin ang pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayon sa gagawing benefit race paÂra sa nabiktima ng bagyong ‘Yolanda’ at ng ‘Adopt A Barangay Racing Festival’.
Pitong kabayo ang kasali sa Mayor Leonardo ‘SanÂdy’ Javier Jr. Stakes Race na siyang tampok na kaÂrera para sa mga nabiktima ng super typhoon na itaÂtakbo sa race five.
Ang nasabing 1,400-metrong karera ay sinahuÂgan ng P300,000.00 ni Javier at ang mananalo ay magbiÂbitbit ng P180,000.00 gantimpala.
Ang mga kasali ay ang Unica Champ, Semper Fidelis, Al Safirah, Most Unbelievable, Honour Class, Shining Gold at Heart Smart.
Hanap ng Unica Champ ang ikalawang sunod na panalo matapos manaig noong Mayo 20 sa Santa Ana Park para ipalagay na palaban sa karerang ito.
Ang Al Safirah ay hahawakan ngayon ni LT CuaÂdÂra Jr. mula kay CV Garganta na naihatid ang kabayo sa pangatlong puwestong pagtatapos sa huling takbo upang gumanda rin ang tsansang manalo.
Ang papangalawa ay mayroong P67,000.00 premÂyo, habang P37,500.00 at P15,000.00 ang mapupunta sa papangatlo at papang-apat sa datingan.
May dalawa pang P180,000.00 added prize sa maÂsuwerteng kabayo na mananalo ang magaganap sa PhilÂracom-Quezon City-Liga ng mga Barangay na baÂhagi ng ‘Adopt A Barangay Racing Festival’.
Ang Dear Ashley, The Expert, Calabar Zone, StriÂker’s Symbol, Whistler at Chevrome ang mga magsuÂsukatan sa 1,500-m race three habang ang Grand Duke, Dugo’s Charm, Lover Of All, Majestic Queen, Ni Haow, Candy Crush at coupled entry Tin Man at Red Heroine ang mga magsusukatan sa 1,400-m na race four.
Ang Philippine Racing Commission ay nagbigay ng P150,000.00, habang ang Katialis ay nagsahog ng P30,000.00 para mabuo ang gantimpalang ibibigay sa mananalo lamang.