Kapana-panabik na events sa U18 3x3 Tatluhan ngayon

MANILA, Philippines - Ang autograph-signing sa mga PBA players, ka­pana-panabik na mga laro at raffle prizes ang naka­hanay para sa 2014 Talk ‘N Text-SBP U18 3x3 Tat­luhan Finals ngayon sa Pearl Sports Complex sa Har­rison Plaza, Manila.

Ilang aktibidades ang nakalatag para sa mga bas­ke­tball fans, kasama dito ang Bungee Trip, Shoot & Play, Pose & Play and Spot Panalo.

Ipaparapol ang isang 32-inch plasma TV, microwave oven, electric fans, dalawang rice cookers at 10 Panalo phones.

Ang maghahari sa torneo ang kakatawan sa bansa para sa 3x3 FIBA World Tour-Asia Pacific Leg na na­katakda sa Hulyo 19-20 sa Fashion Hall ng SM Megamall.

Ang pangunahing dalawang koponan ng naturang torneo ang makakapaglaro para sa 3x3 FIBA World Championship na isasagawa sa Tokyo sa Oktubre ng kasalukuyang taon.

 

Show comments