Pinalakas na RC kontra sa Cignal

LARO NGAYON

(Cuneta Astrodome, Pasay City)

3 p.m. Cagayan Valley vs PLDT (women)

5 p.m. RC Cola-Air Force vs Cignal (women)

7 p.m. Cignal vs Via Mare (men)

 

MANILA, Philippines - Masusukat ang galing ng pinalakas na RC Cola-Air Force Raiders sa pagharap sa Cignal HD Spikers, habang mag-uunahan sa pagbangon mula sa pagkata­lo ang Cagayan Valley Lady Rising Suns at PLDT Home TVolution Power Attackers sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference ngayon sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Kinuha ng Raiders ang mga Air Women na sina Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz, Judy Caballejo at Joy Cases at sa rookie drafting ay hinugot ang national team member na si Iari Yongco.

Sa alas-5 ng hapon itinakda ang laro at ang Cignal ay magtatangka na bumangon matapos malusutan ng Air Asia, 25-21, 25-21, 20-25, 23-25, 15-11.

Ang expansion team na pag-aari ni Mikee Romero ang siyang nasa unang puwesto bitbit ang 2-0 karta kasunod ang Petron na may 1-0 baraha at ang PLDT, Cagayan Valley at Cignal na bitbit ang 0-1 karta.

Sina Honey Royse Tubino, Danika Gendrauli at Abby Praca ang mamumuno sa HD Spikers.

Mahigpitan ang labanang inaasahan sa pagitan ng Lady Rising Suns at Power Attackers sa unang laro sa alas-3 ng hapon kasunod ang laro sa alas-7 ng gabi ay sa hanay ng Cignal at Via Mare sa kalalakihan.

 

Show comments