Deron williams ooperahan sa dalawang tuhod

NEW YORK – Ooperahan si Brooklyn Nets guard Deron Williams sa susunod na linggo sa dalawang tuhod na nakaapekto sa kanya sa huling dalawang seasons.

Ayon sa Nets, ang operasyon ay mangyayari sa Martes na isasagawa ng kanilang foot and ankle specialist na si Dr. Martin O’Malley.

Sinabi ni O’Malley nitong Huwebes sa isang statement na tatanggalin ang bone chip sa right ankle ni Williams at spurs sa front at back ng left ankle.

Nag-miss si Williams ng 18 games ngayong season, 16 dahil sa sprained left ankle at nalimitahan sa 14.3 points at 6.1 assists per game.

Sinabi ng dating All-Star at two-time Olympian na ang kanyang ankle problems ay nakaapekto sa kanyang confidence at nalimitahan ang kanyang kakayahan sa court.

Show comments