^

PM Sports

TNT-SBP U18 Tatluhan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Lalarga bukas ang klasikong half-court playground basketball sa pagdaraos ng 2014 Talk ‘N Text-SBP U18 3x3 Tatluhan Finals sa Pearl Sports Complex sa Harri­son Plaza, Manila.

Kabuuang 20 four-man teams na nagmula sa buong bansa ang makikita sa aksyon matapos ang pang alas-11 ng umagang opening ceremony.

Ang maghahari sa tor­neo ang kakatawan sa ban­sa para sa 3x3 FIBA World Tour-Asia Pacific Leg na nakatakda sa Hul-yo 19-20 sa Fashion Hall ng SM Megamall.

Ang mangungunang da­lawang koponan ng na­tu­rang torneo ang maka­ka­paglaro sa 3x3 FIBA World Championship sa Tokyo sa Oktubre.

Ang mga nakapasok sa finals matapos ang mga regional qualifying tour­­naments ay ang St. Louis-LHS-B mula sa Ba­guio City, Team Wowie (Cauayan, Isabela), Team DDDV-B (Dagupan), UA-3 (Pampanga/Olongapo City), Team USA College (Iloilo), Team Faith (Ta­nauan, Batangas), SHS Ate­neo 1 (Cebu), Team Ti­tans (Naga City), Team Man­darayo Boys (Lucena, Quezon), Golden City (Sta. Rosa, Laguna), Cenn Taynan (Kidapawan, Cota-bato), Red Rooster (Zamboanga City), Holy Cross Crusaders (Davao City), Ba­rangay Gusa (Cagayan de Oro), Team Davies A (Ba­colod City), AMA 2 (Na­tional Capital Region-Central), Barangay Signal D (NCR-South), San Juan 1 (NCR-PNG), Caloocan Team (NCR-North) at Aroro Team (Ormoc).

“We in SBP are proud to launch our centerpiece grassroots development program,” sabi ni SBP executive director Sonny Bar­rios. “It supports not on­ly the development of the game all over the coun­try but also focuses on our youth, including those out of school.”

  Binubuo ng mga players na may edad 18-anyos pababa, ang mga finalists ay hahatiin sa apat na grupo at maglalaro ng single round elimination.

Ang top two teams mu­la sa bawat grupo ang pa­pasok sa Last 8 para sa crossover matches.

Ang mga mananalo sa Last 8 ang aabante sa se­mifinals patungo sa finals na may nakalaang prem­yong P35,000.

Ang runnerup ay tatanggap naman ng P20,000, ha­bang ang third place ay bi­bigyan ng P15,000 at ang fourth place ay mag-uuwi ng P10,000. Bilang dagdag na insentibo, ang Talk ‘N Text ay magbibigay ng P5,000 sa mga koponang papasok sa Last 8.

ARORO TEAM

BARANGAY SIGNAL D

CALOOCAN TEAM

CAPITAL REGION-CENTRAL

CENN TAYNAN

CITY

N TEXT

SHY

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with