Halatang gigil na gigil na bumawi ang South Korea sa Gilas Pilipinas sa parating na Asian Games sa kanilang teritoryo. At dahil sa gigil na ito, obvious rin na nakatuon ang kanilang pansin sa kilos at galaw ng Philippine national team.
Ebidensya ang mabigat na panuntunan na inilatag ng Asian Games hosts na magpapahirap sa Gilas Pilipinas na maisama sa lineup si Brooklyn Nets Andray Blatche sa Incheon meet na nakatakda sa Sept. 19-Oct.4.
Itinakda ng South Korea sa May 30 ang pasahan ng 24-man pool kung saan manggagaling ang final 12 ng mga competing teams sa Asian Games basketball competition. Ang siste ay kailangang may pasaporte na agad ang mga mainonombrang manlalaro sa 24-man pool.
At dahil hindi pa lubos na lumulusot sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng Filipino ci-tizenship kay Blatche ay mukhang malabo ang tsansa na makalaro siya sa paparating na Asian Games.
Ang isa pang target ay mai-lineup siya sa 2014 FIBA World Cup na nakatakda sa Aug. 30-Sept. 14. Ngunit gaano pa ba kahaba ang proseso na tatakbuhin ng mithiin na magawa siyang naturalized Filipino?
Matatandang March 10 pumasa sa final reading ang House version ng Blatche naturalization bill. At kinaumagahan ay aking nakuha ang pagpapaliwanag ni Deputy Speaker Robbie Puno (ang House proponent) sa tatakbuhin pa ng proseso.
“Kung sakaling makalaro siya sa World Cup, buzzer-beater ‘yun,†ani Puno.
“It’s still a long way to go since the Senate has to have its counterpart bill. And assuming the Senate approves their bill by the first week upon their return from break on May 4, maybe it takes a week to gather all the signatures (ng Senate president, House speaker, majority floor leaders at iba pa),†paliwanag niya.
Makikitang dito pa lang ay atrasado na ang estimate ni Puno.
“Then it is transmitted to the President. He has the option to sign it right away or veto the bill. In Marcus Douthit’s case, the President didn’t sign. After one month, it lapsed into law,†dagdag ni Puno. “Assuming same thing happens. It lapses into law, then you need a week to get a Republic Act number and 15 days of publication.â€
Mahaba pa talaga ang proseso samantalang July 15 ang deadline na puntirya ng Gilas para sa World Cup.
At ang isa pang ma-laking katanungan ay kung makikisama ba si Presidente Aquino sa pagkakataong ito?