National boxers nagpakitang-gilas sa PNG

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng mga kasapi ng national men’s at women’s boxing team ang kanilang estado nang manalo ang mga ito sa idinadaos na 2014 Philippine National Games.

Ang Rizal Memorial Coliseum ang siyang naging venue ng kompetisyon sa sport na hawak ng ABAP sa pamumuno nina president Ricky Vargas at chairman Manny V. Pangilinan at wala ni isa sa isinaling national boxer ang natalo sa finals.

Sina lightweight Junel Cantancio, light welter Dennis Galvan, welterweight Joel Bacho at light heavy Wilfredo Lopez ang mga nakasagupa ng hindi national team members pero madali nilang isinantabi ang hamon tungo sa gintong medalya.

Tinalo ni Cantancio si Daryl Ramos, si Galvan ay nanaig kay Richard Bacala, si Bacho ay namayani kay da-ting national player Orlando Tacuyan Jr., at si Lopez ay na-ngibabaw sa kapatid ni Orlando na si Ronaldo Tacuyan.

Si Guangzhouo Asian Games bronze medalist Rey Saludar (flyweight) ay nakasama nina bantamweight Mario Fernandez na tinalo ang mga national team members na sina Roldan Boncales Jr. at Jonas Bacho tungo sa gintong medalya.

Sina world champion at SEA Games gold medalist na si flyweight Josie Gabuco , light flyweight Maricris Igam, bantamweight Irish Magno at light weight Lisa Pasuit ang nagdomina sa apat na dibisyon sa kababaihan.

Ginamit ng mga national boxers ang PNG na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) at may ayuda pa ng Summit Natural Water, Forever Rich Philippines, Bala Energy Drink, Milo, Standard Insurance, SM Marikina at PLDT-MyDSL bilang tune-up para sa mas  mabigat na Asian Games sa Incheon, Korea na kung saan ang boxing ay inaasahang mangunguna sa Pambansang delegasyon sa paghakot ng gintong medalya.

 

Show comments