MANILA, Philippines - Hindi ininda ng kabayong Malaya ang pagkakalaÂgay nito sa stall number 14 nang makapagtala ng kumÂbinsidong panalo sa 2014 1st Leg Philracom Hopeful Stakes race kahapon sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Ang tatlong taong filly na pag-aari ni MandaluÂyong City Mayor Benhur Abalos at ginabayan ni JoÂnathan Hernandez at nakuntento mula sa pang-apat na puwesto sa alisan bago inunti-unti ang pagbangon para pagpasok sa rekta ay hawak na ang kalamangan sa 1,600-metro distansya.
Naorasan ang top favorite sa 14 na kabayong nagÂlaban sa nakuhang Daily Doubles sales na P452,810.0 sa P762,261.00 kabuuang benta ng kahanga-hangang 1: 37.6 sa kuwartos na 24’, 23’, 23 at 26’.
Halagang P1 milyon ang kabuuang premyo na piÂnaglabanan sa karerang suportado ng Philippine RaÂcing Commission at ang Malaya ay nag-uwi ng P600,000.00.
Ang kahanga-hanga sa ipinakita ng nasabing kaÂbayo ay ang katotohanang hindi na ginamitan ni Hernandez ng latigo ang kabayo at itunulak-tulak lamang nito ang Malaya para bumulusok.
Ang fourth choice sa karera na Love Na Love na hawak ni Mark Alvarez at naunang nagdala ng liderato sa unang bahagi ng karera ay nalagay sa pangalaÂwang puwesto, habang ang mga kabayong Wild Talk ni RG Fernandez at Jazz Again ni apprentice rider JL Paano ang siyang nalagay sa ikaapat na puwesto sa datingan.
Naunang umalagwa ang Love Na Love bago suÂmunod ang mga kabaÂyong Lucky Leonor at Jazz Again habang ang MaÂlaya ang nakabuntot.
Pero habang tumagal ang labanan ay lalong nag-init ang Malaya para sa malakas na pagtatapos.
Bunga ng panalo, ang Malaya ay maaaring suÂmali sa second leg ng TriÂple Crown Championship na itatakbo sa Hulyo 22 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ang stablemate ng MaÂlaya na Kanlaon ay isa sa siyam na kabayo na tatakbo sa 1st leg ng TriÂple Crown ChamÂpionship na tampok na karera sa haÂpong ito sa ikatlong race track sa bansa. (AT)