Marquez gustong talunin si Alvarado para muling makalaban si Pacquiao

MANILA, Philippines - Ang pagkakataong makalapit sa inaasam niyang pag-ukit ng kasaysa­yan sa Mexican boxing.

Ito ang nasa isip ni Juan Manuel Marquez sa pagharap kay Mike Al­varado para sa isang title eliminator ngayon sa The Fo­rum sa Inglewood, Ca­lifornia.

Ang mananalo sa pa­gitan nina Marquez (55-7-1, 40 KOs) at Alva­rado (34-2-0, 23 KOs) ang hahamon kay world eight-division champion Manny Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) para sa hawak ni­tong World Boxing Organization (WBO) welterweight title.

“That is what I am looking forward to towards the end of my ca­reer, to win that next world title. That’s what makes us keep going,” wi­ka ni Marquez.

Wala pang Mexican bo­xer na nagkampeon sa li­mang magkakaibang weight divisions na kahit sina Erik Morales at Mar­co Antonio Barrera ay na­bigong makamit.

“I want to make his­to­ry by winning another world title,” sabi ng 40-anyos na si Marquez.

Sakaling manalo si Mar­quez kay Alvarado ay mapaplantsa ang kanilang pang-limang banggaan ng 35-anyos na si Pacquiao.

Pinabagsak ni Marquez si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagkikita noong Dis­yembre 8, 2012.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na pu­mayag na si Pac­quiao na labanan ang ma­na­nalo kina Marquez at Al­varado.

“If I hear that the winner will be interested in fighting Manny in the fall, and Manny has agreed to fight the winner, I would say that once we got the terms straightened out it would be a done deal,” wi­ka ni Arum.

Nauna nang inayawan ni Marquez ang panukalang labanan niya si Pacquiao.

Ngunit pumayag na rin siya para sa posibleng Marquez-Pacquiao V.

Show comments