Parker may grade 1 hamstring strain

MANILA, Philippines - Nakalasap si Tony Parker ng isang Grade 1 left hamstring strain at oobserbahan araw-araw, ayon sa pahayag ng San Antonio Spurs noong Huwebes.

Nagpahinga ang Spurs isang araw matapos sibakin ang Portland Trail Blazers sa Game 5 ng Western Conference semifinals noong Miyerkules ng gabi.

Sumailalim si Parker sa isang MRI exam para sa kanyang injury na nagpaupo sa kanya sa kabuuan ng second half ng nasabing laro.

Habang lumalakas na ang Spurs at ipinakitang sila ang dominanteng koponan sa Western Conference ay bumigay naman si Parker.

Naramdaman niyang nanigas ang kanyang left hamstring sa kaagahan ng second quarter.

Nagtungo siya sa locker room para ipatingin ito bago naglaro ng ilang minuto at tuluyan nang nagpahinga.

Hindi nakalaro ang 31-anyos na si Parker sa 14 gamesng San Antonio dahil sa iba’t ibang injuries sa regular season.

Show comments