Kerr bagong coach ng Warriors

MANILA, Philippines - Tinanggihan ni Kerr ang pagkakataong imando ang New York Knicks at makasama ang kanyang dating coach na si Phil Jackson na siya ngayong nagpapatakbo ng front office ng New York. Nakawala sa Warriors management group si Stan Van Gundy na tinanggap ang $35 million deal noong Martes para patakbuhin ang Detroit Pistons at agad itong lumipad patungong Oklahoma City nang araw ding iyon para kausapin si Kerr. 

Kumbinsido ang Warriors na handa na si Kerr na mag-coach.

Show comments