MANILA, Philippines - Minsan lamang mag-reklamo si Talk ‘N Text coach Norman Black kaugnay sa officiating sa kanilang laro.
Ngunit sa post game interview matapos ang kanilang 75-77 kabiguan sa San Mig Coffee sa Game Three noong Martes ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.
“I just hope that the game is governed well to give us a fair chance of winning,†sabi ni Black. “Contacts in the game of basketball should be called evenly on both ends just that fairness in sports and fairness in the game.â€
Ang nasabing panalo ng Mixers sa Tropang Texters ang naglapit sa kanila sa pang-12 korona.
Ito ang pipiliting isakatuparan ng San Mig Coffee sa pagsagupa sa Talk ‘N Text ngayong alas-8 ng gabi sa Game Four ng 2014 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sa kanilang pagkatalo sa Game Three noong Martes ay tinawagan ang Tropang Texters ng kabuuang 21 fouls kumpara sa 13 ng Mixers.
Sinabi naman ni San Mig Coffee import James Mays na hindi nila iniisip ang tawagan ng mga re-ferees sa laro.
“One thing about this team is that we all stay together,†sabi ni Mays. “No matter if there’s adversity or we’re down, we stick together.â€
Humakot ang 6-foot-8 na si Mays ng 20 points, 14 rebounds, 5 blocks, 4 assists at 2 steals para ibigay sa Mixers ang 2-1 kalamangan sa kanilang best-of-five championship series nila ng Tropang Texters.
Nauna nang rumesbak ang Talk ‘N Text nang kunin ang 86-76 panalo sa Game Two na nagtabla sa kanilang titular showdown sa 1-1.
“Siyempre, sobrang hirap dahil alam natin ang Talk ‘N Text, hindi papayag magpatalo ‘yan. Gustung-gusto din nilang mag-champion,†wika ni Yap, tumipa ng isang jumper sa huling 28 segundo na sumelyo sa panalo ng San Mig Coffee sa Game Three.