^

PM Sports

Jumbo Plastic diretso sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nagpakawala ng 13-0 run ang Jumbo Plastic Giants sa pagsisimula ng ikatlong yugto para pawiin ang mahinang panimula tungo sa 67-57 panalo sa Café France sa pagtatapos ng PBA D-League Foundation Cup elimination round kahapon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.

Sina Jan Colina at Elliot Tan ay nagpakawala ng tig-isang tres para pagningasin ang run na nagtulak sa Giants sa 41-33 kalamangan.

Sa sumunod na tagpo ay tumulong na sa pagpuntos sina Jerick Canada, Jopher Custodio at Jason Ballesteros upang tapusin ang kampanya sa unang ikutan bitbit ang 6-3 karta.

Katabla nila ang nagdedepensang kampeong Blackwater Sports Elite sa ikalawang puwesto pero ang Giants ang siyang nakasama ng nangungunang NLEX Road Warriors sa semifinals dahil sa 76-68 panalo sa kanilang pagtutuos.

“Everyone, especially management, is excited about our accomplishment. Hopefully, the guys won’t be contented with this,” wika ni Giants coach Stevenson Tiu.

Sina Canada at Custodio na off-the-bench players ay may 14 at 11 puntos habang si Ballesteros ay may 9 puntos, 14 rebounds at apat na blocks.

Si Colina ay naghatid ng 8 puntos at anim dito ay sa ikatlong yugto na dinomina ng Jumbo Plastic, 23-9.

Nanguna si Jam Cortez para sa Bakers sa  13 puntos at nine rebounds na tinapos ang eliminasyon tangan ang 3-6 baraha.

Gumawa ng 35 puntos ang Derulo Accelero Oilers sa huling yugto para maikasa ang 86-83 come-from-behind panalo sa Boracay Rum Waves sa ikalawang laro.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Oilers at tinapos ang yugto tangan ang 3-6 karta para magkaroon ng five-way tie sa ikaanim na puwesto.

Pero ang Cafe France Bakers ang siyang may pinakamagandang quotient sa mga katablang Waves, Oilers, Cagayan Valley Rising Suns at Hogs Breath Café Razorbacks upang umabante sa quarterfinals.

Walang ibang dapat sisihin sa pagkatalo ng Waves kungdi ang kanilang sarili dahil naiwanan na nila ang Oilers ng 15 puntos, 52-37, sa ikatlong yugto.

Hawak pa ng Waves ang 66-56 kalamangan nang pangunahan nina Clark Bautista at Michael Juico ang pagbangon. Si Juico na tumapos taglay ang 21 puntos, ang siyang naghatid sa panalo sa Oilers nang makumpleto ang 3-point play. (AT)

BLACKWATER SPORTS ELITE

BORACAY RUM WAVES

CAFE FRANCE BAKERS

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CLARK BAUTISTA

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DERULO ACCELERO OILERS

ELLIOT TAN

HOGS BREATH CAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with