Alyssa Valdez, Rachelle Ann Daquis, Aiza Maizo, Maria Angeli Tabaquero, Fille Cainglet, Abigail Maraño, Gretchen Ho, Michelle Gumabao, Denden Lazaro, Mary Jean Balse, Rubie De Leon, Michelle Laborte, Dindin Santiago…
Ilan lamang ito sa mga matunog na pangalan ngayon sa larangan ng women’s volleyball.
Umusbong na ang women’s volleyball sa ating bansa… damay na pati ang men’s volleyball.
Dati’y hindi naman gaanong pinapansin ang sport na ito.
Kung tutuusin, may potensiyal naman talaga ang sport na ito na lumaki dito sa Pinas.
Kasi nga, one time or another, naglaro o kung hindi man ay nanood tayo ng volleyball sa ating high school years through Physical Education.
Marami naman talagang naglaro o naglalaro ng volleyball.
Basta may space, may bola, puwede nang mag-volleyball, hindi ba?
Kaya naman hindi nakapagtatakang maraming mahihilig sa volleyball.
Dati ay hindi gaanong napapansin ang volleyball sa UAAP… Pero ngayon, malakas na rin humatak ng crowd/audience ang volleyball sa UAAP.
Marami na rin ang nanonood ngayon ng Shakey’s V-League na isang collegiate league.
Nagsimula ang Shakey’s V-League noong 2004 na hirap din noong humatak ng crowd pero ngayon ay napupuno na ang venue kapag may laro sila.
Pumasok pa ngayon ang Philippine Superliga na isang professional volleyball league hindi lamang para sa mga babae kungdi para na rin sa mga men’s volleyball players.
Pagkatapos ng stint ng mga collegiate volleyball players ay may pupuntahan na silang professional league.
Kaya tuluy-tuloy ang ligaya sa volleyball.