WASHINGTON -- Umiskor si Paul George ng career playoff-high na 39 points at humakot ng 12 rebounds para tulungan ang Indiana Pacers sa 95-92 paggupo sa Washington Wizards at kunin ang 3-1 kalamangan sa kanilang Eastern Conference semifinals series.
Bumangon ang India-na mula sa 19-point deficit sa Washington para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Kumolekta si Roy Hibbert ng 17 points at 9 rebounds para sa Pacers.
Maaaring tapusin ng Indiana ang kanilang best-of-seven series ng Washington sa Martes sa Game 5 sa Indianapolis.
Tumipa si Bradley Beal ng 20 points para sa Wizards.
Angat ang Washington ng 17 points sa halftime at lumayo sa 57-38 mula sa basket ni Nene sa pagsisimula ng third quarter.
Ngunit nag-init si George para ibigay sa Pacers ang 85-82 bentahe.
Ang tirada ni John Wall ang nag-angat sa Wizards sa 91-90 sa hu-ling 2 minuto kasunod ang dalawang free throws ni George para sa 92-91 abante ng Indiana.
Sa Los Angeles, matapos dominahin ng Oklahoma City Thunder sa halos 40 minuto ay lumaban ang Los Angeles Clippers.
At isang player ang nagdala sa kanila sa panalo.
Humugot si Darren Collison ng walo sa kanyang 18 points sa huling 2:58 minuto sa fourth quarter para tulungan ang Clippers sa 101-99 paglusot sa Thunder at itabla sa 2-2 ang kanilang Western Confe-rence semifinal series.
“Even though we didn’t play well throughout the game, we were able to get a win,†wika ni Collison. “That feels more impressive than anything we did.â€
Naimintis ni Oklahoma City guard Russell Westbrook, kumamada ng 27 points, ang kanyang 3-pointer at hindi naman umabot ang tip in ni Serge Ibaka sa pagtunog ng final buzzer.
Pinangunahan ni Blake Griffin ang Clippers sa kanyang 25 points, kasama dito ang 9-of-11 free throws at humakot si Chris Paul ng 23 points and 10 assists.
Nagdagdag naman si Jamal Crawford ng 18 points, habang kumolekta si DeAndre Jordan ng 14 rebounds para sa Clippers.
Nagposte si Kevin Durant ng 40 points, tampok dito ang 15-of-18 free throws, sa panig ng Thunder.
Nakatakda ang Game 5 sa Martes sa Oklahoma City.
Ito ang ika-14 pagbabalik ng Clippers sa isang laro ngayong season matapos maiwanan ng 12 points sa second quarter sa Game 7 para sibakin ang Golden State Warriors sa first round.
Sa likod nina Durant at Westbrook ay nakapagtayo ang Thunder ng 22-point lead sa first half.
Ang three-point play ni Durant sa fourth period ang nagbigay sa Thunder ng 10-point advantage sa 7:44 minuto.
Ngunit ginamit ng Clippers sina Collison at Danny Granger para makatabla sa 97-97.
Ang pagbibida ni Collison ang naghatid sa Clippers sa 101-97 bentahe sa natitirang 32 segundo.