Team Phl kulang pa sa preparasyon para sa Asiad

MANILA, Philippines - Hindi pa pulido ang gi­nagawang preparas­yon ng Pilipinas para sa pag­sali sa Asian Games na pagpasok ngayon ng hu­ling 100 araw bago su­mambulat ang aksyon sa Incheon, Korea.

“Our preparation is not yet on track, but we are getting there,” paha­yag ni Chief of Mission at chairman ng Philippine Sports Commission Ricardo Garcia.

Ngunit wala namang da­pat ipag-alala dahil gi­na­gawa ng Task Force, pi­namumunuan ni Garcia, ang lahat para matiyak na ang  mga ipadadalang at­leta ay pawang palaban sa kanilang mga events.

“We’re going to send the best athletes at lalaban tayo,” paniniyak ni Gar­cia.

Si Garcia ay nakasama nina POC president Jo­se Cojuangco Jr., IOC Honorary Representative Frank Elizalde at dalawang dayuhang sports of­ficials sa isinagawang Walk-A-Mile na walka­thon sa distansyang 1.6 mil­ya.

Nagsimula ito sa Rajah Sulayman Park at nag­tapos sa Luneta Park at tinatayang nasa 600 at­leta, opisyales at suppor­ters ang sumama rito.

Naging espesyal na bi­sita sina Vahid Karda­ny ng Iran na kumatawan kay OCA President Sheikh Al Sabah at Son Sangjin ng Korea at media director ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC).

Tinuran ni Kardany ang makasaysayang papel ng Pilipinas sa pagkaka­tatag ng Asian Games at kung paano hinangaan ang atleta ng bansa sa mga unang edisyon.

“It is here in Manila where the first Far East Asian Games was held in 1913, the precursor of the Asian Games. You were probable the best sports program in Asia, 100 years back. We hope that through the athletes’ hard work and the help and support of the POC, you get back to that level you where before,” wika ni Kardany.

May 133 atleta ang Pi­lipinas na ipadadala sa In­­cheon Asiad pero posib­leng madagdagan ang bi­­lang ng delegasyon da­hil  hanggang Agosto 15 pa ang deadline.

 

Show comments