Tropang Texters niresbakan ang Mixers sa Game Two

MANILA, Philippines - Sinabi ni San Mig Coffee head coach Tim Cone na reresbakan sila ng ‘tunay’ na Talk ‘N Text sa Game Two.

Nagkatotoo ang paha­yag ni Cone.

Umiskor si Jayson Cas­tro ng game-high na 30 points, habang nagdag­dag si import Richard Ho­well ng 18 para pamunuan ang 86-76 panalo ng Tropang Texters kontra sa Mixers at itabla sa 1-1 ang 2014 PBA Commissio­ner’s Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bumangon ang Talk ‘N Text, nagposte ng 13-0 record, mula sa 80-95 pag­­lampaso sa kanila ng San Mig Coffee sa Game One ng kanilang best-of-five titular showdown.

Sa nasabing kabiguan ay may 17 markers si Cas­tro.

“Effort is the number one thing. We played with a lot more intensity, a lot more energy that resulted to a win tonight,” sabi ni mentor Norman Black sa kanyang Tropang Texters.

Mula sa 37-33 bentahe sa halftime time ay lu­mamang ang PLDT fran­chise sa 63-47 mula sa dalawang free throws ni Howell sa huling 2:22 ng third period bago iposte ang isang 18-point lead, 67-49, sa pagsisimula ng final canto matapos ang jum­per ni Kelly Williams.

Iniupo na ni Cone sina James Yap, PJ Simon, Joe Devance at Marc Pingris sa halos kabuuan ng hu­ling yugto para sa Mixers.

Sa kabila nito, nagawa pa rin ng San Mig Coffee na makadikit sa 73-79 agwat sa likod nina import James Mays, Mark Bar­ro­ca at rookies Justine Mel­ton at Ian Sangalang sa huling 3:02 minuto.

Nagsalpak si Castro ng isang three-point shot para palamigin ang Mi­xers.

Nagsalpak naman sina Barroca at Sangalang ng tatlong free throws upang muling ilapit ang San Mig Coffee sa 76-82 sa 1:36 minuto ng labanan.

Ang dalawang free throws ni Ranidel De Ocampo sa natitirang 27.5 se­gundo ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Talk ‘N Text.

“Both teams are very talented. It’s the job of the coaching staff to keep the players as fresh as possible and to study the games and make adjustments,” sabi ni Black.

Nagdagdag si Larry Fo­­nacier ng 9 markers pa­ra sa Tropang Texters ka­sunod ang tig-8 nina De Ocampo at Williams at tig-4 nina Jimmy Alapag at Harvey Carey.

Pinamunuan naman ni­­­na Mays at Melton ang Mi­­xers sa kanilang 15 points, habang may 11 si Pingris.

Umiskor lamang si Yap, ang two-time PBA Most Valuable Player, ng 6 points para sa San Mig Coffee, nagkampeon sa 2013 PBA Governors’ Cup at 2014 Philippine Cup.

 

Show comments