Ginarantiya ni Nietes ang panalo
MANILA, Philippines - Hindi minamaliit ni WBO lightflyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes ang Mexican challenger na si Moises Fuentes ngunit ginarantiya niya ang panalo sa kanilang 12-round rematch ngayong gabi sa Mall of Asia Arena.
Ayon sa 31-gulang na si Nietes, hindi niya inaasahang babaguhin ni Fuentes ang kanyang style na kanyang ipinakita sa kanilang laban sa Cebu City noong March ng nakaraang taon.
“Walang surpresa,†sabi ni Nietes. “Ang pinakamamalas na suntok niya ay right straight at pupuntiryahin niya ang katawan. Flat-footed siya. Hindi siya sumusugod, in and out ang galaw niya. Kapag na-trap ka niya, magpapakawala siya ng maraming suntok. Magtitiyaga ako na hintayin ang galaw niya para mag-counter. Gagawin ko lahat at ganun din siya pero sinisiguro ko na mananalo ako,†pahayag ni Nietes.
Ito ang ikaapat na title defense ni Nietes sa titulong nakuha mula kay Mexican Ramon Garcia sa Bacolod, tatlong taon na ang nakakaraan.
Dumaan si Nietes sa 100 rounds ng sparring para paghandaan si Fuentes. Nagsanay din siya sa US at Mexico ng ilang buwan at nakipag-sparring kina former world champion Giovani Segura at WBO Latino superflyweight titleholder Matthew Villanueva.
Ang kanyang mga local sparmates ay sina Milan Melindo at former IBF lightflyweight ruler John Riel Casimero.
Ang kanyang strength and conditioning coach ay si Nick Curson na nanga-ngasiwa ng Speed of Sport center sa Redondo Beach, California na nagsabing malaki ang bentahe ng kanyang alaga sa kanilang laban ni Fuentes.
- Latest