Multa uli si Guiao
MANILA, Philippines - Hindi pa tapos ang pagbabayad ng multa nina Rain or Shine head coach Yeng Guiao at Meralco forward Cliff Hodge.
Kahapon ay pinatawan ng PBA Commissioner’s Office si Guiao ng mul-tang P30,000 dahil sa pa-nununtok sa tiyan ni Talk ‘N Text import Richard Howell habang dumadaan ang 6-foot-8 cager sa bench ng Elasto Painters sa Game One ng kanilang semifinals series para sa 2014 PBA Commissioner’s Cup noong Lunes.
Sa unang panayam ay sinabi ni Guiao na wala siyang ginagawang masama kay Howell at hindi niya alam kung bakit ito nagalit sa kanya.
Nauna nang pinagmulta si Guiao ng P100,000 dahil sa pagsasalita nito ng ‘mongoloid’ kay Hodge sa kanilang komprontasyon sa Game 2 ng kanilang quarterfinals series.
Sa naturang laro ay pinatawan ang 6’4 na si Hodge ng P20,000 dahil sa pananapok sa kaliwang mata ni rookie Raymond Almazan sa isang rebound play.
Muling pinagmulta ng PBA si Hodge ng P20,000 bunga ng paniniko nito sa mukha ni Rain or Shine guard Jeff Chan sa fourth quarter sa Game 3 ng kanilang quarterfinals showdown.
Ang unsportsmanlike act ay itinaas ng PBA sa Flagrant Foul Penalty 2.
Samantala, inapruba-han ni PBA Commissioner Chito Salud ang pagdadala ng San Miguel Beer kay 6’8 Yousef Taha sa Globalport bilang kapalit ni 6’5 rookie Justin Chua.
Si Taha ay inaasahang makakatulong sa front court ng Batang Pier ni rookie coach Pido Jarencio, tumapos na may 1-8 record sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup.
- Latest