Guiao nag-sorry sa mga tinamaan

MANILA, Philippines - Humingi ng dispensa si Guiao sa mga natamaan ng pagasalita niya ng ‘mongoloid’ kay Meralco forward Cliff Hodge sa Game Two.

“I am taking the opportunity to apologize to all who might have been offended on the term I used on Cliff Hodge,” ani Guiao na pinabayad ng P100,000 ng PBA Commissioner’s Office dahil dito. “I meant no harm on the people affected.”

Ang pagsasabi ni Guiao ng ‘mongoloid’ kay 6-foot-4 Fil-American Cliff Hodge ng Meralco ay nangyari sa kanilang komprontasyon sa 102-93 panalo ng Elasto Painters sa Bolts sa Game Two ng 2014 PBA Commissioner’s Cup noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Si Hodge ay pinagbayad naman ng P20,000 bunga pananapok kay Rain or Shine rookie Raymond Almazan sa isang rebound play sa dulo ng Game Two.

Samantala, nagpahiwatig si San Mig Coffee coach Tim Cone na ang assistant coach na si Jeffrey Cariaso ang posibleng susunod na maging coach ng Barangay Ginebra.

 â€œThere are still details being worked out, but I think it’s gonna happen,” pahayag ni Cone.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay wala pang statement ang Ginebra kung sino ang kanilang susunod na coach.

 

Show comments