Chicago at Houston nakabawi sa game three: Brooklyn ginitla ang Toronto para sa 2-1 lead

NEW YORK -- Tu­malon ng mataas si Paul Pierce para sa kanyang slam dunk, habang su­madsad si Kevin Garnett pa­ra sa loose ball at tila ang Brooklyn ay naging Bos­ton.

“This is a totally diffe­rent team, totally different feeling,’’ guard Deron Wil­liams. ‘’I think we’re poised to make a run.’’

Umiskor si Joe Johnson ng 29 points, habang pinalakas nina Pierce at Garnett ang loob ng Nets para talunin ang To­ronto Raptors, 102-98, at sik­wa­tin ang 2-1 abante sa ka­nilang first-round series.

Isinalpak ni Johnson ang dalawang free throws sa natitirang 3.1 segundo at muntik nang mawalang-saysay ang itinayong 15-point, fourth-quarter lead laban sa Raptors.

Nagdagdag si Williams ng 22 points at 8 assists para sa Brooklyn.

Nagtala si Pierce ng 18 points at nakatuwang si Garnett sa ratsada ng Nets sa second quarter.

Tumipa si De­Mar De­Rozan ng 30 points sa pa­nig ng Raptors, naipatalo ang 13 sunod na road playoff games.

Nag-ambag si Patrick Patterson ng 17 points ngu­nit naimintis ang dalawang free throws na nagtabla sana sa Toronto.

Tumapos si Kyle Low­ry na may 15 points.

Sa Washington, umiskor si Mike Dunleavy ng 35 points, habang ikinasa ni Jimmy Butler ang go-ahead 3-pointer sa huling 24 segundo para sa 100-97 paglusot ng Chicago Bulls sa Washington Wi­zards at idikit sa 1-2 ang ka­nilang serye.

Nagtala si Dunleavy ng 12-for-19 fieldgoal shooting, tampok dito ang ca­reer-high na walong 3-pointers.

Sa Portland, nagsalpak si rookie Troy Da­niels ng isang 3-pointer sa huling 11.9 segundo pa­ra itakas ang Houston Rockets sa 121-116 overtime victory laban sa Trail Bla­zers at makadikit sa 1-2 sa kanilang serye.

Naglista si James Har­den ng career playoff-best 37 points at kumolekta si Dwight Howard ng 24 points at 14 rebounds pa­ra sa Rockets.

Nakabangon ang Portland mula sa 11-point de­ficit sa final quarter patu­ngo sa overtime.

Show comments