Azkals kontra sa Tigers sa friendly match sa Cebu

LARO NGAYON

(Cebu City Sports Center)

7 p.m. Philippines vs Malaysia

 

MANILA, Philippines - Lalabanan ng Philippine Azkals ang bisitang Ma­laysian Tigers sa isang friendly match ngayong alas-7 ng ga­bi sa Cebu Ci­ty Sports Cen­ter.

Ang laro sa Malaysia ay bahagi ng paghahanda ng Azkals para sa darating na Asian Football Confe­deration Challenge Cup na nakatakda sa Mayo 19-30 sa Maldives.

Ipaparada ni Azkals’ head coach Thomas Doo­ley ang kanyang bagong line-up.

“It’s good to have a home game before the Chal­lenge Cup,” wika ni Dooley kahapon sa pre-match presscon sa Park­lane International Hotel.

Ito ang unang international friendly ng Azkals sa Pilipinas.

Hindi maipaparada ng Azkals sina Phil Young­husband, Rob Gier at Jua­ni Guirado na pawang may mga iniindang injury sa kasalukuyan.

Dahil dito, gagamitin ni Dooley sina Jovin Bedic, Carli de Murga, Roxy Dor­las at Patrick Deyto bu­kod pa kina Anton del Ro­sario, James Younghus­band, Ed Saca­pa­no, Patrick Reichelt, Ru­ben Doctora Jr., Si­mone Rota at Curt Dizon.

Makakatuwang din ng tropa sina Fil-Danish Jer­ry Lu­cena at Fil-Swiss Martin Steuble.

Matapos ang Cebu international friendly laban sa Malaysia ay magtutu­ngo ang Azkals sa Bahrain para sa kanilang trai­ning camp sa Mayo bago su­mabak sa Challenge Cup sa Maldives.

Show comments