MANILA, Philippines - Hindi pinakikinggan ng international federation sa athletics na IAAF at AAA ang ginawang pagpapatalsik kay PATAFA president Go Teng Kok ng Philippine Olympic Committee (POC).
Ito ang ipinarating ni AAA secretary general Maurice Nicholas bilang tugon sa sulat ng POC na nagsasaad na hindi na nila kinikilala ang liderato ni Go matapos ideklarang persona non grata ilang taon na ang nakalipas.
Gumawa ng liham ang POC dahil naging aktibo na uli si Go sa kanyang tungkulin matapos bumuti ang kanyang pa-ngangatawan. Halos isang taon din nagpahinga si Go bunga ng karamdaman.
Binigyan diin ni Nicho-las na hindi mahalaga sa IF ang ginawang aksyon kay Go dahil para sa IAAF at AAA ay ang PATAFA head pa rin ang kanilang kinikilalang miyembro sa Pilipinas.
Hindi tanggap ni Go ang ginawa sa kanya ng POC dahil hindi siya binigyan ng due process. Uma-bot ang usapin sa korte at kinatigan si Go nang iha-yag na di makatarungan ang ginawa ng POC.
Pinangungunahan ni Go ang paghahanda ng pambansang atleta at patuloy na kinuha ang serbisyo nina Joseph Sy at Rosalinda Hamero bilang mga national coaches. Sina Sy at Hamero ay tinanggal na sa talaan ng mga coaches na sumasahod sa PSC kaya ang PATAFA na ang magbibigay ng kanilang suweldo na nasa tig-P20,000.00. (AT)