MANILA, Philippines - Nakatakdang ipatawag ngayong araw ni PBA ComÂmissioner Chito Salud sina Rain or Shine head coach Yeng Guiao at Meralco power forward Cliff Hodge.
Ito ay dahilan sa nangyaring pagkompronta ni Guiao kay Hodge matapos ang 102-93 panalo ng ElasÂto Painters sa Bolts sa kanilang best-of-three quarterfiÂnals series para sa 2014 PBA Commissioner’s Cup noÂong Miyerkules sa Smart-Araneta Coliseum.
Ang pag-iinit ni Guiao kay Hodge ay dahil sa panaÂnapak ng Fil-Am kay Rain or Shine rookie Raymond AlÂmazan sa rebound play sa dulo ng laro.
Sinasabing tinawag ni Guiao si Hodge na ‘MongoÂloid†sa kanilang komprontasyon na napigilan ng mga opisÂyales.
“Name-calling and the use of insulting language will have consequences,†sabi ni Salud kahapon.
Maaaring patawan ng multa si Guiao, samantalang posibleng itaas sa Flagrant Foul 1 ang naunang itiÂnaÂwag na regular foul ni Hodge kay Almazan.
“A foul was called, but in my mind, that could’ve eaÂsily been reviewable for flagrant,†ani Salud.