MANILA, Philippines - Kumpletuhin ang doÂminasyon sa group elimination ang balak ng nagdedepensang kampeon NaÂtional University Lady Bulldogs sa pagbangga sa mainit na Davao Agilas sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference ngaÂyon sa The Arena sa San Juan City.
Sa ganap na alas-2 ng hapon masasaksihan ang tagisan ng dalawang waÂlang talong koponan sa Group B at kasunod niÂto ang pang alas-4 na tipanan ng UAAP titlist Ateneo Lady Eagles at talÂsik nang St. Louis Lady Navigators.
Kumpleto na ang apat na koponan sa Group A na aabante sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at ang pinal na puwesto na lamang ang pinaglalabanan.
Nasa ikalawang puÂwesÂto kasalo ang Adamson LaÂdy Falcons ang LaÂdy Eagles at kung mananalo sila sa wala pang panalong Lady Navigators ay mapapantayan nila sa unahan ang Arellano LaÂdy Chiefs.
Inaabangan ang maÂalab na paglalaro gaÂling kiÂna Alyssa Valdez at Amy Ahomiro para taÂpuÂsin ng AteÂneo ang group elims bitbit ang tatlong suÂnod na panaÂlo.
May apat na dikit na tagumpay ang NU, ngunit tiyak na bibigyan sila ng magandang laban ng DaÂvao selection na nanalo sa unang dalawang laro kontra sa FEU Lady TaÂmaraws at Perpetual Help Lady Altas.
Ang huling panalo konÂtra sa NCAA champion na Lady Altas na sibak na sa kompetisyong may ayuda ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil ay nangyari sa limang sets at nakita ang tibay ng dibdib ng mga Lady Agilas nang maÂnumbalik ang kanilang porma kaÂhit nawala ang itiÂnayong 2-0 kalamaÂngan.