F. Raquel, Jr. nanguna sa palakihan ng kinita

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang ma­gandang ipinakikita ni Fernando Raquel Jr. sa bu­wan ng Marso pa­ra kunin ang liderato sa palakihan ng kinita sa hanay ng mga hi­nete.

Umani ng 21 panalo bukod pa sa 20 segundo, 7 tersero at 9 kuwarto pu­westo sa 99 takbo no­ong nakaraang buwan si Raquel upang palawi­gin ang kinita matapos ang tatlong buwan sa P1,087,923.78 premyo.

May 199 na takbo ang sinalihan ni Raquel at may kabuuang 52-35-22-20 una hanggang ikaapat na puwestong pagtatapos na karta para  makabangon mula sa ikatlong puwesto ang hinete noong Pebrero.

Si Jesse Guce ay na­na­tili sa ikalawang puwesto sa talaan, habang ang na­nguna noong Peb­rero na si Pat Dilema ay bu­maba sa ikatlong puwesto.

May 16 panalo si Gu­ce sa 106 na karerang ni­lahukan para maging ika­lawang hinete na may ma­higit na isang milyong kinita sa P1,025,114.03.

Nangunguna si Guce sa paramihan ng takbo sa 273 at may kabuuang 39 pa­nalo, 47 segundo, 39 ter­sero at 37 kuwarto pu­wes­tong pagtatapos.

Si Dilema na may pu­mapangalawang bilang sa sakay matapos ang tatlong buwan na 200 ay may 46 panao, 34 segundo, 24 ter­sero at 19 kuwarto puwestong pagtatapos para sa P960,222.30 premyo.

Kumabig lamang ang hi­nete ng 14 panalo sa 73 karera lamang noong Mar­so.

Umangat si Mark Alvarez sa ikaapat na puwesto mula sa ikalima bitbit ngayon ang P718,575.55 premyo sa 179 takbo at may 37-29-24-27 baraha.

Si Jonathan Hernandez ay nanatili sa ikaanim na puwesto taglay ngayon ang P669,121.19 premyo sa 119 takbo at 27-20-24-14 baraha.

Ang nasa ikapitong puwesto ay si Dominador Borbe Jr. sa P513,688.92 premyo sa 131 sakay (20-13-18-14), bago sumunod sina Jeff Bacaycay sa P493,948.40 sa 145 takbo (21-17-28-21), Kelvin Abobo sa P482,765.92 sa 121 takbo (17-27-17­-15), at JPA Guce sa P472,112.79 sa 108 sakay (17-14-21-13).

Ang mga apprentice riders na sina JL Paano, JD Juco at CS Pare Jr. ay nasa ika-11th, 12th at 15 pu­westo.

Si Paano ay kumabig ng P465,902.36 premyo sa 150 takbo (19-23-16-15), si Juco ay may P429,487.97 sa 136 takbo (16-23-23-15) at si Pare ay may P357,645.20 sa 169 takbo (14-15-19-26).

 

 

Show comments