Azkals sa PSA sports forum

MANILA, Philippines - Ang pinakabagong balita sa Philippine Azkals at ang mga darating na events ang tatalakayin sa pagbabalik ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.

Ilalahad ni team manager Dan Palami ang ginaga­wang paghahanda ng national men’s football squad pa­ra sa Asian Football Confederation Challenge Cup sa nasabing public sports program na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihhandog ng Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Bibisita din sa naturang pang alas-10:30 ng umagang sports session si tournament director Joey Guil­lermo para talakayin ang FilOil Flying V Hanes Premier Cup meet.

Ang iba pang inimbita ay ang mga organizers ng Sports Lifestyle and Fashion Festival at ilang monghe mula sa China para sa isang muay thai event.

Ang kinikilalang pinakamatandang media organi­zation sa ban­sa, ang PSA ay maaaring bisitahin sa www.psa.media.ph

 

Show comments