NLEX Road Warriors sinagasaan ang Oilers para sa 6-0 kartada

MANILA, Philippines - Umangat ang NLEX Road Warriors sa 6-0 sa PBA D-League Foundation Cup matapos kalusin ang Derulo Accelero Oi­lers, 98-82, kahapon sa JCSGO Gym, Cubao, Que­zon City.

Sina Garvo Lanete at Matt Ganuelas ay may tig-17 puntos, habang si Bobby Ray Parks Jr. ay may 16 puntos at ang 10 rito ay ibinuhos niya sa ikaapat na yugto na dinomina ng Road Warriors, 28-16.

May three-pointer at na­kumpletong 3-point play si Parks para iwanan ng NLEX ang Oilers na huling dumikit sa 74-71 iskor.

Si Jett Manuel ay may 15 puntos para sa Oilers na natalo sa ikaanim na su­nod na pagkakataon.

Naipasok ni Brian Ilad ang undergoal stab sa hu­ling 1.6 segundo para kunin ng Cebuana Lhuillier Gems ang ikaapat na pa­nalo sa limang laro sa 77-76 tagumpay sa Café France Bakers.

Lamang pa ng isa ang Bakers nang sumablay ang dalawang free throws ni Marcy Arellano.

Ngunit siya ang na­ka­kuha ng offensive re­bound at mabilis na ipina­sa ang bola kay Ilad tungo sa reversed lay-up kontra kina Aristote Mutombo at Jam Cortez.

Nanatili sa ikalawang puwesto ang Gems, habang bumaba ang Bakers sa 2-3 karta.

Nagtulong sa 14 puntos sina Rudy Lingganay at Roider Cabrera sa hu­ling yugto upang ipalasap ng Boracay Rum Waves sa Big Chill Superchar­gers ang ikatlong sunod na pagkatalo sa 76-70 pa­nalo.

May dalawang tres si Cabrera, habang apat ang ibinigay ni Lingganay pa­ra ipagkaloob sa Waves ang 70-61 kalamangan, ba­gay na hindi natabunan ng Superchargers.

Umakyat sa 3-2 ang Waves.

Bumaba naman sa 2-3 ang karta ng Big Chill.

 

Show comments