MANILA, Philippines - Ipinamalas ng kabayong Dixie Gold ang kakayahan na maging palaban sa 2014 Philracom Triple Crown Championship nang dominahin ang 3YO Special Handicap Race sa pagbabalik ng karera noong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Nalagay sa bugaw sa kaagahan ng yugto sa 1,200-meter race, naipalabas ni jockey Pat Dilema ang lakas ng kabayo sa huling kurbada at mula sa labas ay tinuhog ang mga nasa unahan para makuha ang paÂnalo.
Halos isa’t kalahating dipa ang iniagwat ng Dixie Gold, ang second leg champion sa Philracom 3YO Local Colts noong Pebrero, sa rumemate ring River Mist para kunin ang ikatlong sunod na panalo sa tatlong karera na nilahukan sa taong ito.
Outstanding favorite ang Dixie Gold para balik-taÂya ang dibidendo sa win (P5.00), habang ang 5-9 forecast ay may P17.50.
Diniskaril ng Romantic Jewel ang hanap na panaÂlo ng pinaborang Classy And Swift nang manaig ito sa special handicap race three.
Si Rodeo Fernandez ang sumakay sa nanalong kaÂbayo sa pagkakataong ito at napalabas ng hinete ang angking tulin para hindi abutan ng rumemateng Classy And Swift sa pagdadala ni Dilema.
Naorasan ang Romantic Jewel ng 1:16 sa kuwartos na 25, 23’, 27’ sa 1,200-metro karera para makuha ang ikalawang sunod na panalo.
Sa rekta ay kinuha na ng Romantic Jewel ang kaÂlaÂmaÂngan sa karera pero malakas ang pagdating ng Classy And Swift, ang 1st leg ng Philracom Imported/Local Stakes Race champion.
Samantala, magtatapos ang tatlong sunod na kaÂrera sa bakuran ng PhiÂlipÂpine Racing Club Inc. (PRCI) ngayong gabi sa pagtakbo ng walong karera na magsisimula sa ganap na ika-6:20 ng gabi.
Lahat ng mga inilahok na kabayo ay tiyak na magÂpupursigi na makuha ang panalo dahil lahat ng mga races ay sinahugan ng added prizes.
Apat na karera ay may P20,000.00 dagdag premÂyo at ang mananalo ay may P15,000.00 at ang paÂpangalawa ay mayroÂong P5,000.00, habang ang huling apat ay mayroÂong P15,000.00 na dagdag premyo na hinati sa P15,000.00 at P5,000.00 sa mananalo at papangaÂlawa sa datingan.
Ang paglalagay ng premyo sa lahat ng karera ay bilang pagsunod sa naÂunang alituntunin ng Philracom na papayagan ang Monday races basta mga special races ang mga ito.