MANILA, Philippines - Ang nagdomina sa eliÂmination round na Talk ‘N Text ang makakasagupa ng Barangay Ginebra sa quarterfinal round.
Ito ay matapos talunin ng Rain or Shine Elasto Painters ang Gin Kings sa overtime, 105-101, para angkinin ang No. 4 berth sa quarterfinals ng 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart AraÂneta Coliseum.
Lalabanan ng No. 1 Talk ‘N Text ang No. 8 GiÂnebra sa quarters bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage kagaya ng dala ng No. 2 San Miguel Beer laban sa No. 7 Air21.
Makakaharap naman ng No. 4 Rain or Shine ang No. 5 Meralco at magÂÂtatagpong muli ang No. 3 Alaska at ang No. 6 San Mig Coffee sa kani-kanilang best-of-three series na sisimulan ngayon.
Pinangunahan nina Paul Lee, import Wayne Chism at Jervy Cruz ang produksyon ng Elasto PainÂters sa overtime period sa kanilang 104-99 abante sa Gin Kings sa huÂling 10.3 segundo.
“This is where we wanÂÂted to be. We only wanÂted to be in the quarters on an even matchup without any disadvantage and we got it,†ani Rain or Shine coach Yeng Guiao.
Tumapos si Chism na may 30 points kasunod ang 25 ni Lee.
Umiskor si two-time PBA Best Import Gabe Freeman ng 29 markers sa panig ng Ginebra.
Sinamantala naman ng AlasÂka ang hindi pagÂlalaro niÂÂÂna import James Mays (respiratory tract inÂÂÂfecÂtion), forward Marc PinÂgris (bruised left rib) at rookie guard Justin MelÂton (fractured finger), haÂbang ipinahinga ng San Mig Coffee si two-time PBA MVP James Yap.