^

PM Sports

International Ice Skating sa Abril 21-26

Pang-masa

MANILA, Philippines - Idaraos ang biga­ting Interna­tional Ska­ting Union (ISU) World Deve­lopment Trophy sa SM Ska­ting Rink sa SM Me­­ga­mall sa Abril 21 hanggang 26.

Kabuuang 56 skaters mula sa 15 countries ang makikita sa aksyon.

Maglalaro sa World De­velopment Trophy, inorganisa ng ISU sa pa­kikipagtulungan sa Phi­lip­pine Skating Union (PhSU), ang mga skaters mula sa Pilipinas, Argentina, Hong Kong, India, Indonesia, Malaysia, Mon­golia, New Zealand, South Ko­rea DPR, Singapore, South Africa, Chinese-Taipei, Thailand, United Arab Emirates at Uzbekistan.

Anim na skaters ang kakatawan sa bansa sa nasabing torneo sa juniors, Novice A at No­vice B.

Ang mga ito ay sina So­fia Guidote, Audrey Al­caraz, Alyssa Comia, Elia Mendoza, Keith Ste­phanie Angeles at Dominique Katigbak.

Nauna nang pinamahalaan ng PhSU ang 2013 ISU Development Tro­phy noong Abril ng na­karaang taon sa SM Mall of Asia Ice Skating Rink kung saan 53 ska­ters buhat sa 11 bansa ang lumahok.

ABRIL

ALYSSA COMIA

AUDREY AL

DEVELOPMENT TRO

DOMINIQUE KATIGBAK

ELIA MENDOZA

HONG KONG

KEITH STE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with