Malinis pa rin ang NLEX

MANILA, Philippines - Maagang nagtrabaho sina Garvo Lanete at Ke-vin Alas habang naghatid ng all-around game si Bobby Ray Parks, Jr. para tulungan ang NLEX Road Warriors sa 83-74 pananaig sa Cagayan Valley Rising Suns sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

“Nagrelax sila sa second quarter kaya pinagsabihan ko sila at pumukpok naman uli,” wika ni Celis na umangat sa 2-0 bilang pamalit na coach kay Boyet Fernandez na nasa Lithuania kasama ang San Beda players para sa pagsasanay.

Sina Lanete at Alas ay may 22 at 14 puntos habang si Parks ay nagbigay ng 11 puntos, 9 boards, 3 assists, 3 steals at 2 blocks.

Ang kaliweteng si Parks ang nagpasiklab sa mainit na laro sa second half na kinatampukan ng dalawang matitinding slam dunks para itulak ang NLEX sa 5-0 baraha.

Sinandalan ng nagdedepensang kampeong Blackwater Sports Elite ang tambalan ng mga guards na sina Allan Ma-ngahas at Mark Cruz para itakas ang 96-93 panalo sa Derulo Accelero Oilers habang nangibabaw din ang Jumbo Plastic Giants sa Hog’s Breath Cafe Razorbacks, 73-63, sa iba pang mga laro.

Inangkin nina Mangahas at Cruz ang 20 sa 30 puntos na ginawa ng Elite sa huling yugto upang makabawi sa malamyang laro sa unang tatlong yugto.

May 2-2 karta ang Elite habang ang Oilers ay bumaba sa 0-5 karta.

Nagkatulungan naman sina Jeff Viernes at Mark Romero sa fourth period upang maiwanan na ang Razorbacks.

Ibinuhos ni Viernes ang 10 sa kanyang 16 sa laro sa yugto habang si Romero ay nagbagsak ng lima sa 15 sa laro sa pa-nimulang 9-0 run upang matabunan ng Giants ang 52-56 iskor.

May 3-1 baraha ang Giants para makasalo sa pangalawang puwesto kasama ang Cebuana rhabang ang Razorbacks ay bumaba sa 1-4 karta.

 

Show comments