Perpetual babawi sa kamalasan sa V-League

MANILA, Philippines - Bubuhayin ng Perpe­tual Help Lady Altas ang ma­lamig na kampan­ya, ha­bang palalakasin ng UST Tigresses ang pag­­hahabol ng puwesto sa susunod na round sa Sha­key’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Kalaro ng Lady Altas ang FEU Lady Tamaraws ngayong alas-4 ng hapon at balak nilang wakasan ang dalawang sunod na pag­katalo na naglagay sa peligro sa hangarin ng ko­ponan na umabante sa quarterfinals sa ligang i­nor­ganisa ng Sports Vi­sion katuwang ang Sha­key’s.

Nasa ikalimang pu­wes­to sa anim na kopo­nan sa Group B ang Perpetual Help at isa pang ka­biguan ang maglalagay sa kanilang isang paa sa hukay.

Kailangang bumalik ang tikas ng mga kamador ng Lady Altas dahil pa­laban ang Lady Tamaraws upang maitabla ang baraha sa 2-2.

Galing sa isang linggong pahinga ang UST at umaasa ang mga kapanalig nito na hindi nawala ang porma na naghatid sa koponan sa straight sets win sa FEU noong Ab­ril 6.

May 1-1 karta ang Tig­resses at kung manalo pa ay kakapit sa ikala­wang puwesto para tumibay ang pag-asang umabante sa  susunod na round.

Ang nagdedepensang National University ang siyang unang nakapasok sa quarterfinals sa Group B sa ligang may ayuda ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil bitbit ang 4-0 baraha.

 

Show comments