^

PM Sports

NCAA basketball titiyakin na matatapos ng maaga

Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang balak ang pamunuan ng NCAA na hatiin sa dalawang grupo ang 10 koponan para mapaigsi ang takbo ng liga.

Ayon sa bagong upong Policy Board President sa 90th NCAA season na si Dr. Vincent Fabella ng Jose Rizal University, hindi makakabuti sa liga ang hatiin ang mga kasali sa dalawang grupo dahil tiyak na may mga magrereklamo na mga koponang maaaring malagay sa grupo na mas malakas kumpara sa kabilang pangkat.

“There are discussion in the Mancom level and the biggest concern with two groups, its a shorter season but their is always a concern that a team is unlucky if it joins a stronger group. We don’t what the champion to be champion because of the luck of draw,” wika ni Fabella.

Naniniwala naman si Mancom chairman Paul Supan na matatapos sa takdang panahon ang papasok na season di tulad sa nakaraang taon na lumawig ang laro at halos magsisimula na ang second semester ay saka nagwakas ang aksyon sa basketball.

Ipinaalala ni Supan na isa sa dahilan sa pagkakaantala ng pagtatapos ng basketball ay dahil sinuportahan ng liga ang FIBA-Asia Men’s Championship hosting at 11 araw na nagpahinga ang liga.

Ang isa pang nakaapekto sa liga ay ang mga malalakas na bagyo na tumama sa Metro Manila at nagdulot ng baha. “But we’re still studying options to make sure that basketball will finish in time before the second semester,” pahayag ni Supan.

Ang San Beda ay magtatangka sa kanilang ikalimang sunod na titulo pero tiniyak pa ni Fabella na dadaan ang koponan sa butas ng karayom.

“We have our own scouting and reports reaching us is that every team is much, much stronger this year. We do expect competition to be exciting this forthcoming season,” pahayag ni Fabella.

Inanunsyo rin ng JRU President na ang Lyceum at Emilio Aguinaldo College ay magsisilbi ng kanilang ikatlong taon bilang probationary members ng liga.

Kapag pumasa ang dalawang koponan matapos ang season, sila ay iaakyat na bilang regular members sa susunod na season. (AT)

ANG SAN BEDA

ASIA MEN

DR. VINCENT FABELLA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MANCOM

METRO MANILA

PAUL SUPAN

POLICY BOARD PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with